Hindi nakasama si Star for All Seasons Vilma Santos sa 2023 Metro Manila Parade of Stars kamakailan.

At sa panayam ni showbiz columnist Ogie Diaz kay Vilma ay isiniwalat ng huli ang dahilan kung bakit wala umano siya sa nasabing parada. Hinahanap daw kasi siya.

“Alam mo, Ate Vi, hinahanap ka noong parada. Anong nangyari?” usisa ni Ogie.

“Nagkasakit po ako. ‘Yung influenza ‘Yung parang trangkaso,” sagot ni Vilma.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“So, down po ako ng 5 days. Pero ngayon don’t worry negative na po ako,” aniya.

Bigla namang naagaw ni Christopher De Leon ang atensyon ng lahat nang bigla siyang bumahing. Hindi tuloy nila maiwasang magtawanan.

Nang mabawi ni Vilma ang mga naudlot na sasabihin, sinabi niyang gusto raw talaga niyang makasama sa parada.

“Gusto ko sanang makasama sa parada dahil talagang gusto kong makita ang mga tao. Unfortunately, hindi ako pinayagan ng doktor. Kasi mahirap makahawa ako,” saad niya.

Ang pelikula nina Vilma at Christopher na kalahok sa 2023 MMFF ay pinamagatang “When I Met You In Tokyo."

MAKI-BALITA: Official entry ng mga pelikula sa MMFF 2023, pinangalanan na

Sa tantya ni Vilma, ito raw ang ika-25 o ika-26 na pelikula nila ni Christopher nang magkasama.