Dalawa ang nasawi at tatlo ang naiulat na nasawi matapos araruhin ng military truck ang mga sasakyan sa Davao City public market nitong Linggo ng madaling araw.

Dead on the spot sila Jamie Lopez Cole, 63, taga-Km10 Buhangin District, Cabantian, Davao City at Rocel Luna Haspe, 34, taga-Purok 15, Green St., Spring Village, Maa, Davao City, ayon sa Davao City Police Office.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Isinugod naman sa ospital ang mga nasugatan na sina Teresita Pilapil Tangaro, 45, taga-Piapi Boulevard; Michael Baldoman Maghuyop, 44, taga-Lourdes Brgy. Mandug; at Mae Antoneth Anticamara, 20, taga-Purok 11, Sto. Nino, Brgy 76-A Bucana.

Sa report ng pulisya, ang insidente ay naganap sa Pichon St., Bankerohan public market dakong 5:30 ng madaling araw.

Bago ang insidente, nakaparada ang military truck na may plakang SJE-281 habang umaandar sa naturang lugar nang bigla umanong sakyan ng isang lalaki at pinaharurot sa mataong lugar.

Sina Cole at Haspe ay naglalakad sa lugar nang mahagip ng nasabing truck.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang lalaking nagmaneho ng truck at inaalam pa kung may kapansanan ito sa pag-iisip.