Sa sobrang naging busy ng mga celebrities sa buong taon ng 2023, Christmas at New Year ang magsisilbing pambawi para sa kanilang sarili at para sa kanilang pamilya para makapag relax at makapag-spend time this holiday seasons sa kanilang mga mahal sa buhay. Narito ang mga ibinahagi nilang tugon kung anong mga plano nila na gagawin this Christmas and New Year:

Direk Cathy Garcia-Sampana – Spend my Christmas with my in-laws, the Sampanas and spend New Year with the Garcias. Dito lang po Pinas. Ang mahalaga magkakasama kami.

Sheryn Regis – For this Christmas eve, I’ll celebrate it here in my house in the Philippines with family and friends. And I’ll take this holiday as a time for good rest and relaxation in preparation for my upcoming shows in the Philippines and in the US. We might do car camping to celebrate New Year and feel the beauty of nature.

Boobay– On Christmas po, I will spend it with my family in Zambales. Then I will be performing po on Dec. 31 in Quezon City circle for the New Year’s Countdown po together with Tekla and Boss Allan K po.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Faith da Silva – Makasama ang family members ko because my lola from Switzerland is coming home. Sana makapagbonding kami and yup more on family lang talaga, family affair. Sa New Year, may GMA New Year’s Countdown and I will be a part of it.

Kelvin Miranda – Simple lang, kasama yung pamilya, magsimba, magsalo-salo yun naman palagi ang importante sa amin. Sa New Year, same lang din kasi mas naniniwala kami sa kasabihan na kapag New Year kailangan may tao sa bahay para dire diretso ang suwerte.

Maxine Misa – I will spend it with my children my family that’s first. I spend it with my closest family. Sa New Year wala pang plans.

Kimson Tan – This Christmas, spend with my family. Ibibigay ko yung time ko dahil naging busy din po ako after taping ng international film ko. We might go out of the country. New Year, same same spend time with my family. Family time talaga.

Raymund Bigboy Villariza – I just do very simple, spend with the family. We used to go out of town with my family I think my family from Davao is here in Metro Manila. Pero this time we spend it here because magbi-busy nga for the GMA New Year’s Countdown.

Patricia Javier – We’re going to US to visit my in-laws. New Year doon na rin.

Mico Aytona – I think the most important is spend it with my family. Quality time sa buong taon na naging busy po tayo ngayon mas magandang kumpleto ang pamilya. I think we’re going to celebrate it in Tagaytay para talagang feel na feel yung lamig ng Pasko. Sa New Year I think Manila lang.

Lloyd Figueras – Bond with my family and siyempre mag-Noche Buena po kami nang sabay-sabay. Give gifts kasi as a person I love giving gifts to someone I love sa family ko magbigay ng regalo. Hindi na po kami mag-a-out of town since na marami po kasi sa mga kapatid ko ang nasa ibang bansa. So we tend to have a small dinner na lang po ganun or small celebration and video call na lang sa mga kapatid ko na nasa ibang bansa. Sa New Year since I have a family in Ilocos baka doon na po ako magstay sa New Year at para mabisita ang probinsiya po namin.

Samantala, mukhang ang MelaSon o ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco ay nasa probinsya kasama ang kanilang mga anak na sina Mela at Stela.

Kinaaliwan ng mga netizen ang mga larawan nila habang naglalambingan sa isang bahay-kubo kasama ang mga anak.

Hirit ng mga netizen, baka posible na ang baby number 3 pero kung laging kasama ang dalawang maliliit na "Melai" ay baka imposible ito.