Emosyunal ang beauty queen-actress na si Herlene Budol matapos siyang surpresahin ng kaniyang matatandang fans.

Sa Facebook post ni Herlene nitong Sabado, Disyembre 23, pinasalamatan niya ang mga nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.

“Yung apat na taon na solid Patlene lover nationwide fans ko sa Wowowin days na hanggang ngayon andyan sila para sa akin at take note po nag likom likom sila para makita lang ako, paha Sobrang nakakataba ng puso kht mga Senior sila at malalayo ay nag effort para bumyahe sa Manila at sinurpresa ako,” saad ni Herlene.

“Salamat mga nanay. Yung sinpleng pangangamusta sa sitwasyon ko ay sobrang priceless po. Ang pagmamahal at supporta na ibinigay nyo sa akin na Herlene andto lang kami  dito para sayo. indi ko mapigilan umiyak. Dahil thru thick & thin andyan po kayo,” aniya.

'Mauubos lang ang oras ko:' Leila De Lima, iisnabin na lang mga basher

Dagdag pa niya: “Mahal na Mahal ko po kayong lahat. Salamat Mima Wilbert Tolentino at napasaya mo rin sila kht wala si Patrick. Merry Xmas po mga Nanay at sa lahat nag mamahal at supporta sa akin. 😭”

Hindi naman naiwasang ungkatin ng mga netizen sa comment section ang kasalukuyang isyu na kinasasangkutan ni Herlene. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“hirap Takasan kapaq maY resebo 😂😂”

“Basta kain lang ng kain. Hanggang sa mabilaukan ka sa sobrang gutom. Charot! Merry Christmas 🎄🎉”

“Go higad”

“Kain kain din pag may time🤣🤣🤣”

“mukbangera 2023”

“Sana may roblene den soon”

“Eat well”

Matatandaang na-leak kamakailan ang private convo ni Herlene sa kaniyang “Magandang Dilag” co-star Rob Gomez.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

At base sa kanilang private convo, tila nagkakainan daw ang dalawa. Pumalag naman si Herlene sa mga isyung ito at sinabing hindi raw siya hayok sa laman.

MAKI-BALITA: Gutom daw: Rob Gomez, Herlene Budol ‘nagkakainan’ nga ba?

MAKI-BALITA: Herlene Budol sa isyu nila ni Rob Gomez: ‘Hindi ako hayok sa laman’