Pabirong sinabi ng social media personality-turned-actress na si Zeinab Harake na nagagalit ang boyfriend na si Bobby Ray Parks, Jr. kapag tinatawag niya itong boyfriend.

Dapat daw, "asawa" na raw ang itawag sa kaniya para praktisado na sila.

Sa vlog ni Zeinab, nagkausap sila ni Ray Parks sa pamamagitan ng video call.

"Daddy Ray, hi ka sa vlog," hirit ni Zeinab sa jowa.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"'Yong asawa ko nagta-trabaho sa ano... tingnan n'yo Paskong-Pasko na, work-work pa rin siya doon," dagdag pa niya.

"Bumabawi ah," natatawang sey naman ni Ray Parks, Jr.

"Nagagalit siya 'pag boyfriend. 'Yong halimbawa, 'boyfriend ko,' nagagalit siya. Dapat asawa raw. Practice na raw," paliwanag ni Zeinab, kung bakit asawa na ang tawag niya sa Fil-Am basketball player.

"Hi ka, asawa ko. Daddy, sinasabi ko sa'yo panindigan mo 'to," banat pa ni Zeinab sa partner.

Matatandaang naging mag-jowa sina Zeinab at Ray Parks nitong 2023 sa kabila ng mga hiwalayan ng mga celebrity.

MAKI-BALITA: ‘Miss na raw kasi!’ Zeinab Harake, ‘pinatungan’ si Bobby Ray

MAKI-BALITA: ‘Magkamukha na!’ Pagpapaka-daddy ni Bobby Ray kay Bia, Lucas pinusuan

Kaya hangad ng fans at supporters nila na huwag sanang mausog ang kanilang pagmamahalan, lalo't open book naman sa mga netizen ang heartbreaks na pinagdaanan ni Zeinab sa dati niyang karelasyong rapper na si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa tunay na buhay.