Tila nagbanta ang Kapuso beauty queen-actress na si Herlene Budol sa sinumang nagpakalat ng screenshot ng pribadong pag-uusap nila ng Kapuso actor at leading man sa "Magandang Dilag" na si Rob Gomez.

Matatandaang pinutakti ng mga netizen ang na-upload na screenshots ng mga "intimate private conversations" ng dalawa sa mismong Instagram account ni Rob.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

MAKI-BALITA: Gutom daw: Rob Gomez, Herlene Budol ‘nagkakainan’ nga ba?

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Rob na wala sa kaniya ang telepono niya.

MAKI-BALITA: Rob Gomez may simpleng pahayag sa isyu ng leaked convos

Pinalagan naman ni Herlene sa X ang pagkakaladkad niya sa isyu.

MAKI-BALITA: Herlene nagtataka sa isyu sa kanila ni Rob: ‘Bakit ako nakaladkad?’

Sa latest X post ni Herlene, sinabi niyang "squammy" siya pero hindi siya hayok sa laman.

"Yung tahimik lang ako at kaliwa't kanan babad ako sa taping. Yung d ako maka focus sa trabaho dahil sa issue ng mag jowa na may anak. Tapos malalaman ko nakaladkad na lang pangalan ko at binabash ako na wala naman akong ginagawa."

"Opo, Squammy man ako sa paningin nyo. indi ako hayok sa laman. Produkto ako ng broken family. Pinalaki ako ng lolo at lola ko ng maayos."

MAKI-BALITA: Herlene Budol sa isyu nila ni Rob Gomez: ‘Hindi ako hayok sa laman’

"Yung batuhan ng mga script para pang kabisado sa mga linyahan ay nahaluan ng mga joke at one liner tulad ng salitang 'Kain' ganyan na agad ang tingin nyo sa akin. [Sumakay] lang ako sa mga joke dahil Komedyante ako kht alam ko finiflirt ako."

"Pero indi ako ganung babae sa mga binabatikos sa akin. FYI naka dalawang National pageant na ako marami nag propose ng indecent proposal sa akin ng malaking halaga. Pero inicip ko nasa maayos naman karera ko at gusto ko pinag hihirapan indi yung one tym big tym."

Sa dulo ng post, sinabi ni Herlene na maaari siyang magsampa ng demanda sa taong nasa likod ng pagpapakalat ng screenshots.

"Besides, kung sino man nag labas na screenshot na yan ay pwede kong kasuhan ng Data privacy, defamation at cyber libel," aniya pa.

https://twitter.com/herlene_budol/status/1738133558454304820

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Omg! Girl, have some dignity. Dapat d k na lang nag salita. Lalong naging issue. Juice ko. Kung hindi totoo, sabihin mo ng derecho. Para Hindi mas malaking ka chismisan. Sayang tsk tsk."

"Mababaw ang paliwanag. Mas malinaw ang screenshots."

"Lalo mo ginigisa sarili mo sa margarine/butter ay mantika pala.🫢 Ang tanga mo magbigay ng statement. Sino nagturo sayo niyan?"

"Gaslighter amp."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Herlene sa mga komento tungkol sa kaniyang post.