GAPAN, Nueva Ecija - Isang pinaghihinalaang miyembro ng 'Basag-Kotse' gang ang napatay ng pulisya makaraang makipagbarilan sa 'Oplan Sita' campaign sa Gapan City, Nueva Ecija, kamakailan.

Dead on the spot ang suspek na nakilala sa alyas "Mulangaw" dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa police report, pinara ang suspek sakay ng motorsiklo sa nasabing checkpoint sa Brgy. Sto. Cristo Norte matapos makitaan ng baril sa kanyang baywang nitong Disyembre 20.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Gayunman, pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo kaya't hinabol ito ng mga pulis.

Naharang ng mga pulis ang suspek sa Purok Villareal, Brgy. Sto. Cristo Norte.

Sa halip na sumuko, pinaputukan umano nito ang mga awtoridad hanggang sa magkaroon ng sagupaan na ikinasawi nito.

Narekober sa crime scene ang isang Cal. 9mm pistol na may walong bala at isa pang Cal. 9mm Glock 17 pistol na may 19 bala.