Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Huwebes ng umaga, Disyembre 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:17 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 97 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 1 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.