Nagbigay ng simpleng pahayag ang Kapuso actor na si Rob Gomez tungkol sa isyu ng leaked private conversation nila nina Herlene Budol, pati na ang mensahe sa kaniya ni Bianca Manalo, na kumalat na sa social media.

Batay sa mga nabasa ng mga netizen sa mismong Instagram post ni Rob, may ugnayan silang dalawa ni Herlene, na leading lady niya sa nagtapos na panghapong seryeng "Magandang Dilag" sa GMA Network.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

MAKI-BALITA: Gutom daw: Rob Gomez, Herlene Budol ‘nagkakainan’ nga ba?

Nawindang naman ang mga netizen matapos mapasama ang mensahe naman daw ni Bianca sa kaniya, na hindi niya sinagot.

Batay sa screenshot ng ipinadalang mensahe ni Bianca ay pinapapunta niya raw nang maaga sa kaniyang place si Rob, at may tinukoy siyang lalaking wala dahil nasa Valenzuela raw.

Hinala ng mga netizen, si Senador Win ang tinutukoy niya dahil taga-Valenzuela ito at minsan na ring naging alkalde roon bago nag-senador.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Si Bianca ay karelasyon ni Senador Win Gatchalian.

Anyway, hinala pa ng mga netizen na ang partner daw ni Rob na si Shaila Rebortera ang hinihinalang nag-post ng private convos ni Rob matapos matuklasan daw ang "pagtataksil" nito sa kaniya.

Ngunit sabi naman ng mga netizen, mukhang sa takbo ng usapan nina Rob at Herlene at walang pagtataksil na naganap dahil tila hiwalay na sina Rob at Shaila.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Rob na hindi niya hawak ang kaniyang cellphone.

"MY PHONE IS STILL NOT IN MY POSSESSION," aniya.

Photo courtesy: Rob Gomez (FB)

Hindi naman naiwasang kuyugin ng netizens ang kaniyang update:

"sana all kinakain"

"lodi ko 'to eh..."

"Basta ako nalungkot ako sa mga nababasa ko at mga post lalo pag Lodi ko"

"Ok sige. Breakfast na tayo bih. Kain na."

"Pina kukumusta ka ni senator hahahaha"

Samantala, ang isa pang naiisyu kay Rob na isa pang beauty queen-actress na si Bianca Manalo ay tila "unbothered" sa isyu matapos i-flex ang mga kuhang larawan habang nagbabakasyon sa Japan.

MAKI-BALITA: Unbothered? Bianca Manalo, nag-eenjoy sa Japan

MAKI-BALITA:  Sen. Win Gatchalian, dinumog ng netizens dahil sa isyu ng jowa niyang si Bianca Manalo