Kung maraming bumabatikos, may ilang netizens din ang nagtatanggol kay Kapuso beauty queen-actress Herlene Budol sa isyu ng "ugnayan" nito sa leading man sa nagtapos na seryeng "Magandang Dilag" na si Rob Gomez.

Bumungad sa madlang netizens ang social media posts ni Rob nitong Miyerkules, Disyembre 20 kung saan mababasa ang tila eskandalosong mensahe ng dalawa.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa kasalukuyan ay burado na ang dalawang posts na naglalaman ng screenshots. Naglabas na rin ng simpleng pahayag si Rob na wala raw sa kaniya ang telepono niya, meaning to say, ibang tao ang may intensyong ilabas ang screenshots na ito.

"MY PHONE IS STILL NOT IN MY POSSESSION," aniya.

MAKI-BALITA: Rob Gomez may simpleng pahayag sa isyu ng leaked convos

Maging si Herlene Budol na kinukuyog ng mga netizen ay naglabas na rin ng kaniyang pahayag sa pamamagitan ng X.

"Bakit ako nakaladkad?," aniya.

Sa isa pang X post, "Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho. gagawan ka ng issue!"

"Dati asa #wowowin gumawa ng issue na buntis daw ako."

"Ngayon naman sa #MagandangDilag may issue uli na buntis ako uli?"

"Ano susunod? Sa #BlackRider mabubuntis ako uli?"

MAKI-BALITA: Herlene nagtataka sa isyu sa kanila ni Rob: ‘Bakit ako nakaladkad?’

Ilang mga netizen ang nagtanggol kay Herlene sa isyu ng "pangangabit."

Kung susuriin at iintindihin daw maigi ang isa sa mga pag-uusap ng dalawa, mukhang hiwalay na raw talaga sina Rob at ang partner nitong si Shaila Rebortera.

Kung gayon, kung may ugnayan man sina Rob at Herlene, technically raw ay walang masama sa kanilang ginagawa lalo't consenting adults naman daw sila.

Means to say, kung hiwalay na sina Robi at Shaila raw at may nangyayari na kina Rob at Herlene, baka raw kasi talagang nagkakamabutihan na sila?

MAKI-BALITA: Gutom daw: Rob Gomez, Herlene Budol ‘nagkakainan’ nga ba?

Pero ang isa pang isyung nais malinawan, bakit nadadawit ang beauty queen-actress na si Bianca Manalo na fiancee ni Senador Sherwin Gatchalian? Anong meron sa kanilang dalawa ni Rob?

Isa kasi sa mga pinagpiyestahan ay ang private message daw ni Bianca kay Rob na pinapupunta niya ito sa kaniyang place nang maaga.

Nagagamit tuloy ngayon sa memes ang sinabi niyang "He's not here. He's in Valenzuela" na tumutukoy raw sa jowang senador.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Well, abangan na lamang ang statement ng mga nasasangkot sa isyung ito sa mga susunod na araw, kung magsasalita sila.