Sinuspinde ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa loob ng 30 araw ngayong Huwebes, Disyembre 21.

Nagdesisyon ang NTC na suspendihin ang operasyon ng SMNI alinsunod sa House Resolution No. 189, dahil umano sa mga paglabag ng network sa terms and conditions ng prangkisa nito.

Inilabas ang suspensiyon na may show cause order laban sa Swara Sug Media Corporation, ang business name of SMNI, kung saan inaatasan silang magsumite ng written explanation sa loob ng 15 araw kung bakit hindi sila dapat makatanggap ng administrative sanction.

Bago nito, matatandaang napatawan ng 14 araw na preventive suspension order ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang dalawang shows ng network na pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy, dahil umano sa mga paglabag.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ayon sa MTRCB, sinuspinde nito ang “Laban Kasama ang Bayan” dahil daw sa “unverified report” nito hinggil sa umano’y ₱1.8 billion travel funds ni House Speaker Martin Romualdez.

Matatandaang iginiit ni SMNI host Jeffrey “Ka Eric” Celiz sa telebisyon kamakailan na gumastos umano si Romualdez ng ₱1.8 bilyon sa kaniyang mga paglalakbay para sa 2023.

Samantala, sinuspinde rin ng ahensya ang “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa” dahil naman umano sa “death threats” at “profane language” ng guests ng show sa dalawang episodes nito.

MAKI-BALITA: MTRCB, sinuspinde 2 shows ng SMNI