Muling binalikan ng mga netizen ang X post ni "Magandang Dilag" star Herlene Budol tungkol sa mga "kabet" o third party ng isang relasyon.

Dahil nga ito sa nakakalokang pagkalat ng mga eskandalosong screenshots ng umano'y usapan nila ng leading man niya sa serye na si Rob Gomez, na mismong sa Instagram account pa ng aktor nakita at nabasa.

Marami kasing nagsasabing pumayag si Herlene na makipag-ugnayan kay Rob kahit na alam daw nitong may karelasyon at anak na ang huli.

Ngunit sa isa sa mga kumbersasyon umano ng dalawa, makikitang aware at alam ni Herlene ang kaniyang pinapasok at tila sinasabi niyang alam niya ang consequences at limit nito.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Kaya binalikan ng mga netizen ang X post ni Herlene noong Nobyembre 27 tungkol sa mga kabetsina.

"Hirap na hirap ako magka jowa, tapos basic lang sa iba yung magkaron ng kabet! Tandaan, Nanabunot si Pretty sa mga kabet! 🦐," aniya.

https://twitter.com/herlene_budol/status/1729089568031596882

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizen.

"May jowa ka nmn dati iniwan molang 😆 haha char"

"Na-screenshot na namin hahaha, sabihin mo 'yan sa sarili mo teh."

"Sarili laban sa sarili 😭"

"wow tas ikaw now kabet"

"Edi pano yan sasabunutan mo na ba sarili mo? 🤓"

Samantala, sa pamamagitan din ng X ay inalmahan ni Herlene ang mga ipinupukol na isyu laban sa kanila ni Rob.

Aniya, "Bakit ako nakaladkad?"

https://twitter.com/herlene_budol/status/1737395627951304747

Sa isa pang X post, "Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho. gagawan ka ng issue!"

"Dati asa #wowowin gumawa ng issue na buntis daw ako."

"Ngayon naman sa #MagandangDilag may issue uli na buntis ako uli?"

"Ano susunod? Sa #BlackRider mabubuntis ako uli?"

MAKI-BALITA: Herlene nagtataka sa isyu sa kanila ni Rob: ‘Bakit ako nakaladkad?’

https://twitter.com/herlene_budol/status/1737398530329956674