Inalmahan ni Kapuso beauty queen-actress Herlene Budol ang isyung kinasasangkutan niya ngayon sa "Magandang Dilag" co-star Rob Gomez matapos mag-leak ang umano'y "intimate" private conversation nila.

Sa nabanggit na convo, nabanggit ng nag-uusap na gutom na ang isa at nais nitong kainin ang kaniyang kausap.

Mababasa sa itaas ng screenshot na ang mensahe ay nagmula kay "Herlene."

Bukod dito, mababasa rin na tila nahulog na umano si Herlene ay Rob at tanggap daw nito ang ugnayang kaniyang pinasok, kahit na alam niyang may partner at anak na ang aktor.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Usap-usapan din ang larawan ng pregnancy test kits na naka-tag kay Herlene.

Hinala ng mga netizen, ang partner ni Rob na si Shaila Rebortera ang nag-post ng screenshots sa Instagram ni Rob.

Sa kaniyang X posts naman ay inalmahan ni Herlene ang mga isyung ipinupukol sa kaniya.

"Bakit ako nakaladkad?," aniya.

https://twitter.com/herlene_budol/status/1737395627951304747

Sa isa pang X post, "Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho. gagawan ka ng issue!"

"Dati asa #wowowin gumawa ng issue na buntis daw ako."

"Ngayon naman sa #MagandangDilag may issue uli na buntis ako uli?"

"Ano susunod? Sa #BlackRider mabubuntis ako uli?"

https://twitter.com/herlene_budol/status/1737398530329956674

Samantala, burado na ang dalawang posts sa social media ng aktor subalit nakapag-screenshot na ang mga netizen at kalat na ito.

MAKI-BALITA: Gutom daw: Rob Gomez, Herlene Budol ‘nagkakainan’ nga ba?

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?