May sey ang direktor na si Darryl Yap tungkol sa pagkawala ng cellphone ni Rob Gomez.

Matatandaang nagulantang ang mga netizen nang mabasa ang screenshots ng umano’y conversation ni Rob sa mga naging co-stars sa nagtapos na “Magandang Dilag” serye, na sina Herlene Budol, Bianca Manalo, at Pearl Gonzales.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?

Ikinaloka rin ng mga netizen dahil pati ang conversation daw ni Rob kay Bianca ay kasama sa naka-post na “resibo” sa IG; at tila raw palihim na nagkikita ang dalawa.

Batay sa kumakalat na screenshots ay nag-chat daw si Bianca kay Rob kung puwede raw itong makipagkita sa kaniya ng 7am. Nasa Makati area daw siya at kasama ang mga aso. Kung puwede raw ito, babalik daw kaagad siya sa BGC o Bonifacio Global City.

“He’s not here. He’s in Valenzuela,” saad pa raw ni Bianca, na tinutukoy umano ang kasintahang si Senador Win Gatchalian—na bago maging senador ito ay naging mayor muna ng Valenzuela.

MAKI-BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Dinumog din tuloy ng netizen ang mga Facebook post ni Gatchalian.

MAKI-BALITA: Sen. Win Gatchalian, dinumog ng netizens dahil sa isyu ng jowa niyang si Bianca Manalo

Anyway, sa isang Facebook post sinabi ni Rob na hindi niya hawak ang kaniyang cellphone.

“MY PHONE IS STILL NOT IN MY POSSESSION,” aniya.

MAKI-BALITA: Rob Gomez may simpleng pahayag sa isyu ng leaked convos

Hindi tuloy naiwasan ng netizens na dumugin ang comment section ng kaniyang post. At hindi rin nagpahuli si Yap.

“It’s not here. it’s in Valenzuela,” saad ng direktor nang i-share niya ang post ni Rob. Natawa na lang din ang mga netizen.

Samantala, sa kabila ng mga isyu, mistulang “unbothered queen” ang aktres na si Bianca dahil kasalukuyan itong nag-eenjoy sa Tokyo, Japan.

MAKI-BALITA: Unbothered? Bianca Manalo, nag-eenjoy sa Japan