Trending ang pangalan ni Kapuso actor Rob Gomez sa X nitong Miyerkules, Disyembre 20.

Photo courtesy: Screenshot from X

Sa dalawang latest Instagram post kasi ni Rob ay mababasa ang screenshots ng pakikipagpalitan niya raw ng mensahe kina Herlene Budol at Pearl Gonzales.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa convo nina Rob at Herlene, tila nagkikita ang dalawa at may nangyayari umano sa pagitan nila. Sa huling set of picture kasi sa Instagram account ni Rob na naka-tag kay Herlene, may dalawang pregnancy test na makikita.

Sa isa pang screenshot ay mababasa rin ang mensahe ng partner ni Rob na si Shaila Rebortera kay Herlene. na nais nitong makipag-usap sa kaniya. Pero walang reply ang huli sa nasabing mensahe.

Samantala, sa isang post naman sa Instagram ni Rob ay makikita ang screenshot ng mga mensahe niya kay Pearl. Sa isang convo ay tinawag niyang honey ang huli.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon sa X ang rebelasyong ito. Narito ang ilang post ng mga netizen:

“Sinabi nang tigilan na dapat kakabigay ng project kay Rob Gomez eh.”

“Parang hawak ng jowa ni ROB GOMEZ ang Facebook niya at nagpost ng provate conversations between him and HERLENE. Kaloka!”

“pota naman rob gomez at hipon naman ngayong umaga hahahahahahahahahahahha year of the kabits at makakating bayag na di makuntento”

“talagang itong si rob gomez hindi nagpatalo kay daniel padilla humahabol din hahaha emz”

“Akala mo naman pogi tong Rob Gomez na to🤮 mahiya ka sa anak mo babae pa naman kadiri ka.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag, tugon, o reaksiyon ang mga sangkot na panig.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Rob matapos niyang sabihin na single siya nang una siyang kapanayamin sa “Fast Talk With Boy Abunda” noong Agosto.kahit ang totoo ay karelasyon niya si Shaila at may anak pa sila.

Naging maugong din ang balita tungkol sa pananakit ni Rob kay Shaila matapos umanong isiwalat ng huli na nakakaranas umano siya ng "physical, verbal, and emotional abuse" sa aktor noong sila’y nagsasama pa.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga sangkot na pangalan sa nabanggit na isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.