Nakakaloka ang mga pasabog kina Rob Gomez, Herlene Budol, Pearl Gonzales, at Bianca Manalo.

Natunghayan kasi ng madlang netizens ang screenshots ng private conversation daw ni Rob sa co-stars niya sa nagtapos na seryeng "Magandang Dilag" na pawang beauty queens.

Isa na nga rito ay mismong sa leading lady at bida sa serye na si Herlene Budol.

Trending na sa X sina Rob Gomez at Herlene Budol lalo na ang screenshot tungkol sa "kain."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa nabanggit na convo, nabanggit ng nag-uusap na gutom na ang isa at nais nitong kainin ang kaniyang kausap.

Mababasa sa itaas ng screenshot na ang mensahe ay nagmula kay "Herlene."

Photo courtesy: Rob Gomez (IG)

Image

Photo courtesy: Rob Gomez (IG)

Sa isa pang pinag-uusapang convo, sinabi raw ni Herlene na alam daw niya ang pinapasok niya, na sapantaha ng netizens, ay pakikipag-ugnayan nga kay Rob.

Image

Photo courtesy: Rob Gomez (IG)

At ang pinakamatindi pa rito, ay ang larawan ng pregnancy tests na na naka-tag kay Herlene.

Samantala, burado na ang dalawang posts sa social media ng aktor subalit nakapag-screenshot na ang mga netizen at kalat na ito.

Wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang mga nasasangkot na pangalan pati na ang Sparkle GMA Artists Center tungkol dito.

MAKI-BALITA: Private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol, Pearl Gonzales na-leak?