Dinalaw ni Kapuso actress Faith Da Silva ang nakakulong niyang ama na si Dennis Da Silva matapos ang mahigit 20 taon.

Sa Instagram post ni Faith nitong Miyerkules, Disyembre 20, makikita ang larawan niya kasama ang kaniyang ama at kapatid na lalaking si Silas.

“Thank you God for this heart warming gift this Christmas 🙏🏼” saad ni Faith.

Dagdag pa ng aktres: “Grateful for @kuyakim_atienza and General Gregorio Catapang for making this happen 🤍”

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nagbigay naman ng komento si Kuya Kim sa nasabing post ni Faith at ang iba pa niyang kapuwa celebrity. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

Kim Atienza: “Hugs ❤️ God is good”

Barbie Forteza: ”🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻”

Rufa Mae Quinto: “Go go go❤️❤️❤️”

Yasmien Kurdi: “😢❤️🙏🏻awwwwww”

Jessica Villarubin: “Happy for you laaab! ❤️🥹”

Jayson Gainza: “❤️🙌”

Matatandaang nakulong si Dennis noong 2002 matapos niyang masangkot sa kasong rape. Nahatulan naman siya ng habang-buhay na pagkakakulong noong 2020.