Nakabalik na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. matapos dumalo sa idinaos na 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo nitong Disyembre 16-18.

Dakong 10:38 ng gabi nang dumating sa bansa ang Pangulo, kasama rin si First Lady Liza Araneta-Marcos.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Sa kanyang arrival speech, inihayag ng Pangulo ang mga hakbang ng Pilipinas para sa malinis na enerhiya, at inanyayahan ang mga miyembro ng Asia Zero Emission Community na mamuhunan sa renewable energy ng bansa.

Nag-uwi rin ng dagdag investment pledges ang Pangulo at kanyang delegasyon mula sa pagpupulong, kasama ang Japanese business community.

Nauna nang inihayag ng pamahalaan na makalilikha ng 9,700 trabaho sa Pilipinas ang investment pledges na nakuha ng Pangulo sa biyahe nito sa Japan.