Isang netizen ang lakas-loob na nagtanong kay Megastar Sharon Cuneta kung bakit hindi umano dumalo ang kaniyang anak na si KC Concepcion at dating asawang si Gabby Concepcion sa premiere night ng pelikula niyang Family of Two (A Mother and Son Story).

Sa Instagram account kasi ni Sharon nitong Lunes, Disyembre 18, ay ibinahagi niya ang pasilip sa premiere night ng nasabing pelikula.

Matatandaang ang “Family of Two” ay kabilang sa mga nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2023.

MAKI-BALITA: Official entry ng mga pelikula sa MMFF 2023, pinangalanan na

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

“Last night was the premiere screening of our film “Family of Two” and I’m so excited for all of you to watch this in Cinemas on Dec 25!” saad ni Sharon sa caption ng kaniyang post.

Sa gitna ng mga pagbati at papuri kay Sharon sa comment section, isang netizen ang biglang nagtanong.

Why @kristinaconcepcion and @concepciongabby were not there?” usisa nito.

Tugon naman ng Megastar: “I invited Kristina about a week ago but she didn’t text me back.”

Nasundan pa ng iba pang komento ang tugong ito ni Sharon. Narito ang ilan:

“@reallysharoncuneta glad to hear, is she back in the US,/Europe? Or is she still nursing her baby dog? We love you our megastar❤️”

“@kristinaconcepcion kaya di kayo palaging okay ng nanay mo dahil sa mga ganitong SOLID fans nyang mga sulsol eh😂 pano kaya nya naaatim na pakisamahan mga ganitong tao ngekkk hahahahaha lalakas ng loob magmarunong😂🤩🐸”

“@aegisreminder may mga tanong na hindi na dapat itanong para d na bigyan ng kahulogan at pag usapan pah”

“@reallysharoncuneta hindi ka din kasi umattend sa premier night ng movie nya, mas inuna mo pa yung wslang kwentang award night. So quits lang kayo. 😀”

Samantala, wala pang pahayag, paliwanag, o post si KC tungkol sa tanong ng mga netizen kung bakit hindi umano siya nakadalo sa premiere night ng pelikula ng kaniyang ina.