Gaano katotoo ang tsika na nandidiri na umano si Kapamilya star Kathryn Bernardo sa ex-jowa niyang si Daniel Padilla?

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Now Na” nitong Lunes, Disyembre 18, pinag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez ang pag-iwas umano ni Kathryn kay Daniel sa ABS-CBN Christmas Special 2023.

Ayon kay Cristy, hindi pa rin pala talaga natutuldukan ang mga kuwentong nakakabit sa hiwalayan ng KathNiel kahit ilang ulit na nila itong sinasabi.

“Pero kakaiba po ngayon, mga katsika, dahil pagkatapos nilang maghiwalay…muli silang nagkita. At dalawang magkasunod ito. Na ating tatalakayin ngayon,” saad ni Cristy.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kaya ang tanong niya sa kaniyang mga co-host: “Kayong dalawa ba, naniniwala na parang nandidiri na si Kathryn Bernardo kay Daniel?”

“Noong nakita ko na nag-perform sila sa Araneta Coliseum parang gusto siyang lapitan ni Daniel pero parang si Kathryn parang umiilag…parang diring-diring siya doon kay Daniel,” sagot ni Wendell.

MAKI-BALITA: KathNiel ‘nagkabalikan’ sa ABS-CBN Christmas Special 2023

Kasunod namang sumagot ay si Romel na ang tinukoy ay ang pagsasama ng dalawa sa ginanap na Asia Artist Award (AAA) kamakailan. Ayon sa kaniya, kitang-kita umano sa nakunang video ang malalang pag-iwas ni Kathryn kay Daniel.

“Binigyan ng jacket, hindi lang makatanggi si Kathryn kasi napakaganda ng gesture. Pero kitang-kita mo, pati upuan ginanoon [iniwas]...’Pag nasa kaliwa ang aksiyon ni Daniel, nasa kanan siya,” dagdag pa ni Cristy.

Nabanggit din ni Cristy ang tila hindi magandang pagtanggap ng tao kay Daniel sa AAA.

Matatandaan kasing binastos umano ng mga tao aktor ang at dinogshow pa ang kaniyang artist wall sa nasabing event.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, binastos sa Asia Artist Awards 2023?

Pero sa kabila nito, nagpaabot pa rin ng mensahe ang ina nina Daniel at Kathryn na sina Karla Estrada at Min Bernardo para sa mga tagasuporta ng kanilang anak.

MAKI-BALITA: Karla Estrada, binati si Kathryn; may mensahe sa KathNiel fans

MAKI-BALITA: Ina ni Kathryn, nagpasalamat sa fans sa patuloy na suporta sa KathNiel