Heto na naman ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa mga pasabog na mula naman sa sitsit sa kaniya ng sources/impormante niya.

Kaugnay ito ng Richard Gutierrez-Sarah Lahbati break-up issue.

Ayon daw sa tsika ng source niya sa kaniya, ang may third party raw sa relasyon ay si Mrs. Gutierrez, at ang nakakaloka raw, hindi raw lalaki ito.

"Noong una ang sinasabi ng iba si Richard daw may third party, tapos ngayon naman ang sinasabi ng aking source, si Sarah Lahbati raw ang may third party," pasabog ni Ogie sa kaniyang entertainment vlog na "Showbiz Update."

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Kinuha pa ni Ogie ang atensyon ni Sarah, na kung nanonood ito, puwede nitong sagutin ang mga naglalabasang tsika na siya raw ang may third party sa relasyon, at ang third party na ito ay hindi lalaki.

Hindi naman tinukoy ni Ogie kung ano ang sexual preference ng sinasabing third party ni Sarah.

Nakarating din kay Ogie na inaasikaso na raw ng mag-asawa ang annulment ng kanilang kasal.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Sarah tungkol sa isyung ito.