Mukhang may alam ang aktor at ex-boyfriend/love team ni Andrea Brillantes na si Seth Fedelin sa "ugnayan" nina Andrea at Daniel Padilla, na ex-boyfriend naman ni Kathryn Bernardo, na pare-parehong nasa pangangalaga ng ABS-CBN.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, inispluk sa kanila ng una sa apat na sources nila kaugnay ng KathNiel break-up na personal na nagkita at nag-usap sina Andrea at Kathryn upang mangumpisal ng una sa huli tungkol sa "one-time fling" na namagitan daw sa kanila ni DJ.

Si Andrea daw ang unang nakipag-ugnayan kay Kathryn para sa pag-uusap nila nang personal, na naganap daw nang madaling-araw sa studio/office ni Kath sa Quezon City.

MAKI-BALITA: Andrea diretsahang umamin kay Kathryn tungkol sa kanila ni Daniel

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinakita pa raw ni Andrea kay Kathryn ang palitan nila ng mga mensahe ni DJ. Kabilang na raw dito ang pag-utos ni Daniel na ayusin ni Andrea ang tungkol sa pagkakaroon ng isang taong nakakaalam sa kanilang ugnayan.

Ang tinutukoy raw na taong nakakaalam tungkol sa kanilang dalawa ay si Seth, na nakarelasyon ni Andrea.

Nagkaroon daw ng ugnayan sina Andrea at Daniel bandang Nobyembre 2021, at nang mga panahong iyon, cool-off ang status nina Andrea at Seth.

Tuluyan na raw silang naghiwalay dahil sa mga ebidensyang hawak ni Seth tungkol kina Andrea at Daniel.

Pare-pareho raw ang salaysay ng tatlo pang source ng PEP sa kanila, na nagpapatibay sa salaysay ng unang source.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Kathryn, Daniel, at Andrea hinggil sa isyung ito.