Naglabas ng opisyal na pahayag ang Quezon City Police District Headquarters (QCPD) hinggil sa pagkamatay ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez nitong Linggo, Disyembre 17.

Nakikiramay daw ang QCPD sa pamilya ng namayapa, na "James Ronald Dulaca Gibbs" sa tunay na buhay.

Sa kasalukuyan daw ay iniimbestigahan nilang mabuti ang dahilan ng pagkamatay ng aktor.

"As of today, QCPD is currently conducting a thorough investigation to ascertain the cause of the death of Mr. James Gibbs aka Ronaldo Valdez. We understand the importance of this matter; hence, we are working diligently to gather all relevant facts and evidence."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"We assure the public that any findings from the investigation will be officially released. We also urge the public to refrain from concluding and respect the family's request to grieve in private."

Photo courtesy: QCPD

Matatandaang nagtataka ang mga netizen kung bakit QCPD ang naglabas ng pahayag hinggil sa pagkamatay ni Ronaldo, at hindi sa immediate family members nito.

MAKI-BALITA: Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na