Pinuri ng Kapuso comedy star na si Pokwang si Popstar Royalty Sarah Geronimo dahil mas mataas pa raw ang views ng kaniyang rendition ng "Water" na pinerform sa "ASAP Natin 'To" kaysa sa music video ni Tyla, ang South African singer na original na kumanta nito.

Ayon sa X post ni Pokie, "77M views sa YT si water ni Tyla 😊 habang si Tala ni Sarah G ay 198M 👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼"

"Tyla,tyla, tyla Ang ningning ng mga tyla’y nakikita ko sa 'yong mga mata Tyla, tyla, tyla…." dagdag pa ng komedyante.

https://twitter.com/pokwang27/status/1736574817032446251

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nakomento ito ni Pokwang matapos ang X post ni Tyla kung saan nagkomento ito sa video clip ng performance ni Sarah sa ASAP.

"It’s so crazy seeing people perform my song with huge productions, costumes, choreo etc etc… what the heck 🥴🤍," ani Tyla.

https://twitter.com/Tyllaaaaaaa/status/1736263374894485600

Iba naman ang dating nito sa mga Pinoy dahil parang ang yabang daw ng South African singer, at parang sinasabi nitong hindi raw nagustuhan ang performance ni Sarah.

"medyo mayabang nga yung dating ngn tweet ni Tyla! Kakadisppoint!"

"Sarap patulan mamsh.. Galing galing ni SGG e... Bibigyan ko muna sya ng benefit of a doubt sa post nya pero wag nyang mamaliitin ang Sarah G natin. 😏💅"

"korek! ngaun ko lng nkita parang ang yabang nga nung tyla hahaha kala nmn nya"

"Parang off ng tweet ni Tyla. Anong ibig niyang sabihin hehe."

Samantala, wala pang sey ang kampo ni Sarah hinggil dito.