Tila nagpasaring na naman daw ang tatay ni Sarah Lahbati na si Abdel Lahbati sa biyenan ng kaniyang anak na si Annabelle Rama.

Sa Instagram post ni Abdel nitong Linggo, Disyembre 17, makikita ang larawan ng dalawang nagkakahulang aso.

“Until now we’re just quite ignoring some barking dogs 😂😂😂 but someone doesn’t want to stop talking about this issue, she’s even spending money to spread fake news, we choose to spend money to enjoy our life,” saad ni Abdel.

Dagdag pa niya: “Thanks to everyone for your love and support for Sarah. Wishing you and your family peace, health, happiness and prosperity in the coming year, [Merry] Christmas 🎄”

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Hindi ito ang unang beses na nagpatutsada ang ama ng aktres tungkol umano sa mga kumakahol na aso.

MAKI-BALITA: Sey mo Annabelle? ‘Don’t mind dogs barking,’ kuda ng padir ni Sarah

Naglabas kasi ng mga pahayag si Annabelle kaugnay sa umaaligid na isyu kina Sarah at sa anak niyang si Richard Gutierrez.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

Matatandaang nagsimulang umugong ang balita na hiwalay na umano ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizen na hindi na nagsasama ang dalawa sa mga picture na ina-upload nila sa kanilang mga social media accounts.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na