Pumanaw na ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez nitong Linggo, Disyembre 17, sa edad na 76.

Kinumpirma ito ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Linggo ng tanghali, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Hindi pa naman malinaw ang dahilan ng pagkamatay ng beteranong aktor.

Si Ronaldo ang ama ng celebrities na sina Janno Gibbs at Melissa Gibbs.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Umusbong ang karera ni Ronaldo sa show business noong mid-1960s matapos daw siyang madiskubre ni Comedy King Dolphy.

Mula noon, naging parte na rin siya ng iba’t ibang pelikula at TV series tulad ng pelikulang “Seven Sundays” noong 2017, at seryeng “Los Bastardos” noong 2018.

Nakilala rin siya bilang unang Filipino Colonel ng fastfood chain na “KFC.”

Huli siyang napanood sa telebisyon bilang “Lolo Sir” sa seryeng “2 Good 2 be True” kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2022.

Rest in Peace, Lolo Sir!