Kinaaliwan sa TikTok ang video clip ng "inconsistency" sa dahilan kung bakit absent sa "It's Showtime" ang isa sa mga host na si Karylle, nitong Saturday episode, Disyembre 16.

Inabangan kasi ng madlang people at madlang netizen kung magkikita-kita na ba sina Karylle at ang "DongYan" o sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, na bumisita sa nabanggit na noontime program.

MAKI-BALITA: DongYan bibisita sa It’s Showtime; Karylle, papasok ba?

Si Karylle at Dingdong ay mag-ex, at matatandaang naging isyu noon ang pagpasok daw sa eksena ni Marian, na eventually ay mag-asawa na ngayon.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

May asawa na rin si karylle, ang bokalista ng bandang "Sponge Cola" na si Yael Yuzon.

Nagtungo ang dalawa sa It's Showtime para i-promote ang pelikulang "Rewind" na nagsisilbing comeback movie nila bilang reel at real couple. Sa ilalim ng Star Cinema ang produksyon nito.

Sad to say, wala si Karylle dahil batay sa X post niya noong Disyembre 13, may iniinda siyang sakit kaya baka hindi raw siya makakapasok ng ilang araw. Nag-get well soon pa nga sa kaniya ang co-host na si singer-songwriter Ogie Alcasid.

So, ang alam ng lahat, may sakit si Karylle kaya hindi siya makakapasok talaga, at noong Miyerkules pa niya sinabi ito. Ito na lang ang naging batayan sa dahilan ng pag-absent niya sa Showtime.

Ngunit sa segment ng It's Showtime na "Me Choose Me Choose,"  tila "nadulas" si Vice Ganda sa tunay na dahilan kung bakit absent si Karylle.

Tinawag niyang "Karylle" ang co-host na si Kim Chiu, at nang pabirong ituwid siya ng co-host na si Jhong Hilario na si Kim Chiu ang kausap niya, sinabi ni Vice na katawagan niya kasi si K at kinumusta ito.

Sambit ni Vice, nasa rehearsal daw ito ngayon ng play na kaniyang kinabibilangan.

Hindi naman ito tugma sa sinabi ni Kim na "Get well soon" na ang ibig sabihin, magpahinga siya mula sa pagkakasakit.

Mapapansin namang tila natawa ang mga host at saglit na natatawang nagbulungan sina Vice Ganda at Kim.

Bawi na lang nila, get well si Karylle sa kaniyang rehearsal.

MAKI-BALITA: Karylle may sakit kaya absent sa Showtime; minalisya ng mga intrigera

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Di nagbasa ng GC si Kim"

"lagot kayo pgbalik ni k 😅😅😅😅💚"

"Ano ba talaga ang rason? Naku, nabubuking hahahaa."

"palusotdotcomdotph 😭"

"ano ba talaga meron rehearsal o may sakit hahaha."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Karylle tungkol dito.