‘The beauty of the universe…”

Napitikan ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-mahanghang imahen ng “tiny moon” na Enceladus sa ibaba ng singsing ng Saturn.

Bukod sa kagandahan ng larawan, sa isang Instagram post ay ibinahagi rin ng NASA na nakitaan daw nila ang Enceladus ng mga chemical energy na “key ingredients for life.”

Nagpapahiwatig umano ang isang pag-aaral na gumagamit ng datos mula sa kanilang Solar System Cassini na maaaring mayroong mas maraming chemical energy sa loob ng naturang maliit na buwan ng Saturn.

‘Habitat for life?' NASA, napitikan ‘icy moon’ ng Saturn na 'Enceladus'

“We’ve known Enceladus is spewing ice grains and water rich with organic compounds from a giant plume – some of which are important to life. New analysis has found a strong confirmation of hydrogen cyanide, a molecule key to the origin of life,” anang NASA.

Bukod dito, nakahanap din daw ang mga mananaliksik ng ebidensya ng karagatang nagtatago sa ilalim ng nagyeyelong outer shell ng Enceladus. Sinusuportahan din nito ang giant plume na may supercharged na pinagmumulan ng enerhiya.

“Unidentified in this study, the source is in the form of several organic compounds, some of which on Earth serve as fuel for organisms,” paliwanag ng NASA.

“More chemical energy is brewing inside Saturn’s tiny moon than previously thought. The more energy available, the more likely that life might proliferate and be sustained,” saad pa nito.

Matatandaang kamakailan lamang ay inihayag din ng NASA na posible umanong maging “habitat for life” ang Enceladus.