Napitikan ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang larawan ng isa sa mga “icy moon” ng planetang Saturn na “Enceladus,” na posible umanong maging “habitat for life.”

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng NASA ang isang larawan ng Enceladus na nakuhanan daw ng kanilang Cassini spacecraft mula sa layong 38,090 hanggang 6,897 miles (61,300 hanggang 11,100 kilometro) habang pinag-aaralan ang naturang buwan. 

Ayon umano sa mga scientist, base sa mga nakolektang datos ng Cassini ay posible raw maging tirahan ng mga nabubuhay ang Enceladus dahil sa ocean at chemical composition nito.

“Scientists studying data collected by Cassini speculate that Enceladus could be a possible habitat for life beyond our home due to its ocean and chemical composition,” saad ng NASA.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Base rin sa naturang larawan ng Enceladus, inihayag ng NASA na ang “cracked at etched surface” ng Enceladus ay ang “most reflective” sa solar system na nag-aambag umano sa napakalamig na surface temperatures na nasa -330°F (-201°C).

Ngunit sa ilalim ng “icy body” ng Enceladus matatagpuan ang isa umanong karagatan na pwedeng maging isa sa mga “most scientifically interesting destination” sa solar system.

“Beneath the icy shell of Enceladus lies a large subsurface ocean that sprays particles through fissures in the frozen surface into space. The icy water particles produce Saturn’s E ring, which extends about 75,000 miles (120,000 kilometers) to about 260,000 miles (420,000 kilometers) above Saturn's equator.”

“With its global ocean, unique chemistry and internal heat, Enceladus has become a promising lead in our search for worlds where life could exist,” saad pa ng NASA sa kanilang website kamakailan.