Makasaysayan ang Saturday episode ng "It's Showtime" nitong Disyembre 16 matapos bumisita sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera o "DongYan" para i-promote ang kanilang comeback movie na "Rewind."

Ang nabanggit na pelikula ay kabilang sa mga pelikulang lahok sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nasa ilalim ng produksyon ng Star Cinema, ang movie outfit ng ABS-CBN.

Maituturing na another collaboration project na naman ito sa pagitan ng Kapamilya at Kapuso Network.

Nauntag ng mga host kung anong feeling na nagkakatrabaho sila sa set o shooting ng movie pero sa bahay, mag-asawa at mga magulang naman ang mga ganap nila.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Natanong ni Jhong Hilario kung ano ang mga bagay na grateful silang mag-asawa.

Sagot ni Dingdong, "No'ng binigyan kami ng chance to work together, parang 'di siya trabaho. Para kaming nagde-date araw-araw kaya pinagpapasalamat ko talaga 'yon," ani Kapuso Primetime King.

Nang matanong naman ni Vice Ganda kung may pagkakaiba ba ang pagtatrabaho nila bilang co-actors at mag-asawa, sinabi naman ni Marian na pareho lang daw; kung ano ang nakikita ng mga tao sa set, ganoon din sila sa kanilang tahanan.

Tanong naman ni Vhong Navarro, "Pero meron ba 'yan DongYan pag sa bahay 'di ba 'yong aktingan ninyo 'di ba sa pelikula, meron ba 'yong 'Dapat pala ginawa ko ganito...'"

Tugon naman ni Dingdong, "Oo, meron may gano'n, 'yon nga 'yong pinakanahirapan kaming eksena, 'yong... kissing scene namin eh, kasi 'di namin alam kung paano gagawin..."

Sundot naman ni Marian, "Uy totoo 'yan ha, sa dami ng ginawa namin doon sa movie na medyo mabibigat na eksena, doon kami medyo nailang. Sa aming... intimate scenes. Ang weird kasi malalaman n'yo kung paano kami sa personal... sa totoong buhay..."

Nauna na nilang sinabi ito sa panayam sa kanila sa "Fast Talk with Boy Abunda."

MAKI-BALITA: Dingdong, Marian nahirapang mag-chorvahan sa ‘Rewind’: ‘Malalaman n’yo kasi kung paano kami as mag-asawa’

Samantala, hindi naman nagkrus ang landas ng DongYan at sa ex-GF ni Dingdong na si Karylle, dahil absent siya.

MAKI-BALITA: DongYan bibisita sa It’s Showtime; Karylle, papasok ba?

MAKI-BALITA: Karylle may sakit kaya absent sa Showtime; minalisya ng mga intrigera

MAKI-BALITA: Rehearsal o sakit? Vice Ganda ‘nadulas’ kung bakit absent si Karylle

Well, kung gusto ninyong makita kung paano ang DongYan sa kama, aba'y alam mo na ang gagawin mo: nood na sa December 25.

Siyempre, kung kaya naman at may budget, suportahan natin ang lahat ng pelikulang Pilipinong kalahok sa MMFF para masaya at bongga!