“The other day, nag-deport tayo ng 180 Chinese. Ito 'yung mga nahuli in Pasay. There are other batches na mga susunod in the next few weeks siguro. Malamang after Christmas na because of the difficulty in the scheduling of the flight ngayong peak season,” anang opisyal.
Nauna nang sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na inaasikaso na nila ang pagpapauwi sa 180 Chinese na dinakip dahil sa ilegal na pagpasok sa bansa kamakailan.
Mahigit na sa 2,000 dayuhan ang ipinatapon ng Immigration sa kani-kanilang bansa dahil sa ilegal na pananatili sa Pilipinas.
Idinagdag pa ni Sandoval, siksikan na ang holding facility ng ahensya sa Bicutan, Taguig City.
"‘Yan ang isa sa mga priority project natin na talagang bilisan ang deportation nitong mga ito kasi medyo overcrowded na talaga ang ating facility natin in Bicutan. It’s supposed to hold just 100 [people], ngayon halos nasa 300 ‘yung laman ng ating facility,” pahayag pa ni Sandoval.
PNA