Nasangkot sa isang car accident ang aktres na si Sarah Lahbati kasama ang kaniyang pamilya sa Metro Manila Skyway nitong Biyernes, Disyembre 15.

Kinumpirma ito mismo ni Sarah sa kaniyang Instagram broadcast channel.

“Today, we were given a second chance. Just when you think everything you worry about should be the center of the world, you’re reminded of God’s lessons, promises, and the bigger picture. All you have to do is take a step back and let Him guide you,” kuwento ni Sarah.

Ayon sa aktres, tatlong sasakyan, kasama ang sinasakyan nila, ang nasangkot sa naturang aksidente sa skyway. 

National

PBBM at ex-VP Leni, nagkamayan sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena

“Fortunately, all three cars involved avoided any casualties, and we are all okay,” aniya. 

“I’m not sharing this for you to feel bad for us. I’m sharing this story because this year has been the toughest of my life, yet I am reminded of God’s goodness, His second chances, and His promises.”

“Things could have been much worse, yet my family and I are alive and well. La vie est belle. Life goes on,” saad pa ni Sarah.

Courtesy: Sarah Lahbati/IG

Matatandaang nagpunta ang aktres noong nakaraang linggo sa Batangas kasama ang kaniyang dalawang anak at mga magulang. Mapapansin naman sa mga larawan nila na hindi nakasama rito ang asawa niyang si Richard Gutierrez.

Nagsimulang umugong ang balitang hiwalay na sina Richard at Sarah nang mapansin ng mga netizen na hindi na nagsasama sa mga picture ang mag-asawa na dati’y madalas naman nilang ginagawa.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Kamakailan lamang naman nang isiniwalat ni Annabelle Rama na hindi na umano magkasama sa iisang bubong sina Sarah at Richard.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?