Nanawagan ang pamahalaang lokal ng Quezon City na magbayad nang maaga para maka-diskuwento sa amilyar o real property tax (RPT).

Sa Facebook post ng QC government, mananatili pa rin ang 20 porsyentong discount kung ang 2024 RPT ay mababayaran nang buo hanggang Disyembre 31, 2023.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nasa10 percent discount naman kung ang full payment ng 2024 RPT ay gagawin mula Enero 1 hanggang Marso 31, 2024.

Paglilinaw ng city government, walang discount ang pagbabayad ng hulugan o quarterly installment.

Ang ipinatutupad na early payment discount ay alinsunod sa ordinansa at local government code.

Idinagdag pa nito, ang malilikom na pondo mula sa naturang buwis ay ginagamit sa pagpapalawig ng mga proyekto at programang pangkalusugan, pang-edukasyon, at iba pang social services programs ng lungsod.