Usap-usapan ang sunod-sunod na X post at pagsagot sa netizens ng kilalang showbiz insider na si DJ Jhaiho, na bagama't walang tinutukoy na pangalan, ay hinulaan ng mga netizen na para kay Kapamilya comedienne Alora Sasam.

Trending sa X si Alora dahil sa tila mga "shady" raw o makahulugang hirit nito kaugnay sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ayon sa interpretasyon ng mga netizen, parang nasa side daw ni Kathryn si Alora at tila ipinahihiwatig niyang marami siyang alam sa puno't dulo ng dahilan ng hiwalayan.

Flinex kasi ni Alora ang kuhang video sa naging solo performance ni Kathryn sa naganap na ABS-CBN Christmas Special 2023, kung saan "sexier," "fiercer," at "bolder" version na niya ang ipinamalas ng Outstanding Asian Star.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Hot water🔥 The kindest. Most professional Queen👑 proud of you @Kath Bernardo pakahirap magcheer and kuha ng vid ng sabay🤭," caption ni Alora.

Tila binigyang-kulay naman ng mga netizen ang sinabi niyang "most professional queen" sa caption, dahil bukod sa nabanggit na sexy performance, ay pinag-usapan din ang muling pagsasama nila ng ex-boyfriend na si Daniel Padilla, nang kantahin nila ang "I’ll Be There For You" ng The Rembrandts. Kilalang theme song ito ng hit American sitcom na "Friends."

Marami kasi ang nagsasabing napaka-professional ni Kathryn dahil kung tutuusin, puwede naman siyang hindi pumayag na makasama si DJ sa isang prod, pero hindi niya binigo ang fans na nagnanais makita pa sila together on one stage.

Dahil sa pagbura ni Daniel sa ipinost niyang break-up statement, marami tuloy ang nag-iisip na baka dumadaan na sa reconciliation ang dalawa.

Bagay na parang subtle way na pinabulaanan ni Kathryn dahil sa kaniyang "No looking back, only moving forward" Instagram post.

Sinang-ayunan kasi ito ni Alora sa comment section.

"Shot puno sa no looking back, only moving forward🥂."

Napansin din ng mga netizen ang pag-like ni Alora sa isang netizen na nagkomentong professional na lang si Kath ay hindi na sila magkakabalikan pa ni DJ.

Kaya sa comment section, pinagsabihan si Alora ng netizens na huwag na sanang magkomento ang komedyante na tila may pinapaboran ito sa dalawa.

"Alora sana maging maayos kang kaibigan sa dalawa na sana mapayuhan mo ng ayos at wag panghimasukan ang dapat pang pang himasukan," saad ng netizen.

Tugon naman ni Alora, "If alam mo rin ang nalalaman ko po, di ito comment mo. Try mo critical thinking. Wag panghimasukan kapag wala kang nalalaman. God bless!"

Sey ng ilang netizens kay Alora, sana raw ay huwag na siyang magbigay ng mga makahulugang hirit, dahil minsan din siyang naging kaibigan ni Daniel, hindi lang si Kathryn.

Kung totoo raw kaibigan o naging kaibigan ni Daniel si Alora, hindi na ito magsasalita o magbibigay ng mga hirit na shady, bilang respeto na rin umano sa dalawang ex-couple na hindi na rin nagsasalita tungkol sa isyu.

Nasasabihan tuloy siyang "sawsawera" at "nakikisakay" sa KathNiel break-up issue upang mapag-usapan daw.

MAKI-BALITA: Alora sinasabihang sawsawera, sumasakay sa KathNiel break-up

Going back naman kay DJ Jhaiho, umagang-umaga raw ay nabalitaan niya ang tungkol sa "nakiki-unfollow" at "nakikisawsaw."

"Teka?!!! Ang ganda ng gising ko pero bakit may nakiki unfollow??? at sumasawsaw???" aniya.

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1735892529458106450

"Ang galing din ano nanahimik tapos after ng mga ganap balik parinigan? ano kaya planado? hmmmmmm 🤔🤔🤔 please naman wag na makisale oh.. may pag unfollow kapa eh..."

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1735894269284790325

"Tutal miss niyo ako sa Marites University at dahil resigned ako doon may 🍵 ako..

Blind Item! The Who :

Sino itong Girl na narinig sa isang event na chumika sa mga ibang artista na anlkas ng boses kesyo pag nakikita daw niya ang mga Kamag anak ni BOY na sikat eh GIGIL siya?"

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1735895902945231176

"CLUE si GIRL ay diumano SAWSAWERA as per mga fans at TRENDING SIYA not once but twice."

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1735896520908800215

"DIKO Kasi gets talaga as if hindi siya pinakitunguhan ng GUY ediba naki barkada din naman siya. gets na mas close ka sa isa pero as if walang magandang nagawa at pakikitungo sayo para ganyanin mo? te! kung tunay kang friend mag break man both sila protektahan mo."

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1735897047600177330

"Kapag may naghihiwalay. Hayaan natin na sila mismo mag heal sa kaniya kaniyang proseso. At advice sa mga Friends sa paligid wag na ho tayong gumawa ng actions para sirain ang isa sa kanila. Hindi natin alam pare pareho ang punot dulo."

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1735904098376171920

"Dagdag ko lang dito. Kahit nga alam natin ang kwento PILIIN natin na WAG na magpa involved sa maling paraan. Maging kaibigan tayo na nakikinig at mgbigay payo sa kanilang dalawa at walang kampihan pa," anang DJ Jhaiho sa kaniyang serye ng X posts.

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1735906038061404364

Isang X post naman ng netizen na tuwirang naka-tag kay Alora ang nirepost ni DJ Jhaiho.

Mababasa, "@alorskieee kung yung pamilya at totoong bff's tahimik eh. Ikaw na bago bago pa lang naging close friend ng kathniel dame mong say di naman sinabi na mali ang ginawa mong pag kampi kay kath ang di lang maganda sa ginagawa mo is sinisiraan mo si dj na para bang di mo sya naging [kaibigan]."

https://twitter.com/miellbaltera/status/1735914277457084694

Pasaring pa niya sa isa pang X post, "Happy na? Number 1 Trending!"

https://twitter.com/mor1019jhaiho/status/1735918202746761623

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Alora tungkol dito. Wala pa ring kumpirmasyon mula kay DJ Jhaiho kung si Alora Sasam nga ba ang pinariringgan niya.