Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng hapon, Disyembre 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:12 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 30 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 23 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

National

PBBM at ex-VP Leni, nagkamayan sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena

Wala namang inaasahan ang ahensya na posibleng aftershocks ng naturang lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.