Kasabay ng muling pagbabalik ng taunang ABS-CBN Christmas Special 2023 sa Smart Araneta Coliseum ay muling pagbabalik-kilig sa fans, supporters, audience at netizens nang muling makitang magkasama sa iisang entablado sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, o mas sikat sa kolektibong termino na "KathNiel."

Ginanap ang Christmas Special ng network nitong Miyerkules, Disyembre 13. Tradisyon na ng Kapamilya Network ang ganitong mga event.

Bago pa man ang ganap na ito, inasahang nakaabang ang mga manonood sa appearance nina Kathryn at Daniel, na matapos ang kumpirmasyon ng hiwalayan, expected na hiwalay na rin silang bubulaga sa mga performance.

Subalit hindi ito ang nangyari at hindi inasahan ng mga manonood na muling magkakasama ang dalawa sa isang performance; inawit nila ang "I’ll Be There For You" ng The Rembrandts. Kilalang theme song ito ng hit American sitcom na "Friends."

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Ito ang unang appearance nila together matapos ang kumpirmasyon ng break-up na talaga namang pinag-usapan ng halos lahat, at pati mga politiko ay affected din.

Maririnig naman ang hiyawan ng audience sa tuwing nagkakalapit ang KathNiel.

Pero mapapansing hindi gaya ng dati, hindi na ganoon ka-sweet ang dalawa sa isa't isa, at wala na ring holding hands, bagay na nakakapanibago raw.

Ngunit hindi pa rin nawawala sa mga mukha nila ang ngiti para sa isa't isa.

Marami naman sa mga netizen ang pumuri sa dalawa, dahil sa kabila raw ng hiwalayan ay makikita pa rin ang professionalism at pagiging civil nila.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento:

"Grabe, nakakakilig pa rin silang dalawa!"

"Professionalism ang tawag diyan. Kudos!"

"Nakakapanghinayang itong dalawang ito pero good thing na okay pa silang dalawa bilang co-workers. Professionals."

"Tindi ng hiyaw ko nang makita ko sila... iba pa rin kung sila talaga haha."