Pumalag at pinabulaanan ni Annabelle Rama ang mga kumakalat na fake news tungkol sa kaniyang mister na si Eddie Gutierrez.

Ayon sa latest Facebook post ni Bisaya (tawag kay Annabelle) nitong Miyerkules, Disyembre 13, pekeng balita ang mga kumakalat sa social media na kesyo nagkakasakit na raw si Eddie dahil sa epekto ng isyu sa pagitan ng anak na si Richard Gutierrez at manugang na si Sarah Lahbati.

Ang nabanggit na Facebook post ay kaugnay ng pasasalamat niya sa showbiz columnist na si Cristy Fermin, matapos itong ipagtanggol sa bashers na nagsasabing "bondying" ito o mama's boy.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

MAKI-BALITA: Pumalag na ‘bondying’ si Richard; Annabelle, lambot-puso kay Cristy

Kinumusta raw ni Cristy ang kalusugan ni Eddie via phone call, nang tawagan at makausap niya ito upang personal na pasalamatan dahil sa pagtatanggol kay Chard.

Naging daan na rin ito upang linawin ang tungkol sa kalusugan ng esposo.

Healthy raw ang mister kaya walang dapat ipag-alala ang lahat ng mga concern.

"I am sorry kung ano mang di magandang mga text na nasabi ko sa iyo. At tinawagan ko sya at nag kausap kami at nag pasalamat ako. At sabi pa nga nya regards kay tito Eddie. Tamang tama na magkatabi kami ni Eddie sa upuan, at ipinasa ko kay Eddie ang telepono at nag usap sila."

"Nang mag ba-bye sya kay Eddie, sabi nya Tito Eddie, mag pa galing ka, inagaw ko ang telepono at sabi ko , malakas na malakas ang asawa ko. Baka nabasa mo sa facebook na nag kasakit siya dahil sa issue nina Richard at Sarah."

"That’s all fake news, he is very healthy, alive and kicking , he is enjoying the company of his grandchildren," anang Annabelle.