Isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Huwebes ng umaga, Disyembre 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 11:36 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 126 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 20 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Eleksyon

Ex-VP Leni kay Bam Aquino: 'He deserves to be back in the Senate'

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.