National
Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Nasabat ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong babaeng biktima umano ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City kamakailan.
Hindi na isinapubliko ni BI chief Norman Tansingco ang pagkakakilanlan ng mga ito para na rin sa kanilang proteksyon.
Aniya, ang tatlong Pinoy ay pasakay na sana sa Cebu Pacific patungong Singapore nang maharang sila nitong Disyembre 8.
"They had gone to great lengths to conceal their true purpose, presenting themselves as co-workers on a three-day holiday,” anang opisyal.
Nang imbestigahan, sinabi umano ng tatlo na magtatrabaho sila sa isang logistics company at bilang patunay ay iniharap pa ang kanilang papeles.
Gayunman, nagduda ang mga opisyal ng BI hanggang sa matuklasang hawak ng tatlo ang kani-kanilang work permit para sa trabaho sa isang hotel sa Singapore.
Aminado rin ang tatlo na ipinadala lamang sa kanila ang travel documents mula sa isang kakilala sa Facebook group para mai-print.
“We encourage the public to remain vigilant and report any suspicious activities that may involve human trafficking or illegal recruitment,” pahayag pa ng opisyal.
PNA