Kapag hindi raw tumugon sa hinihingi niya sa demand letter ang ama ng aktres na si Liza Soberano ay baka mauwi sa kaso ang umano'y paninirang-puri laban sa kaniya at sa kasamahang si Ogie Diaz.

Sa buradong Facebook post kasi ni John Soberano, minura umano nito ang dalawa dahil sa pangingialam daw sa buhay ng iba, lalo na sa mga artista.

Si Liza ay naging alaga noon ni Ogie, at nagkaroon ng "gap" sa pagitan ng dalawa nang umalis sa pangangalaga niya ang una.

Sa kasagsagan naman nito ay naging laman naman ng balita ni Cristy ang mga naging aksyon at salita ni Liza, lalo na sa naging buhay-artista niya sa Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaya sa December 12 episode ng "Showbiz Now Na," nagbigay na umano ng demand letter ang kaniyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, sa tatay ni Liza.

Nakasaad umano sa letter na may limang araw na palugit ang tatay ni Liza para magsagawa ng public apology.

Kapag hindi nangyari ito, mauuwi sa kasong cyber-libel ang isasampa raw niya laban kay John.

"Kapag hindi niya 'yon binawi at kami ay ginamot kung saan niya kami sinaktan, tuloy ang cyber libel..." aniya.

Kailangan daw kasing bigyan ng leksyon ang mga taong nakalilimot sa kagandahang-asal.

MAKI-BALITA: Tatay ni Liza Soberano, pinalagan din ni Cristy Fermin

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni John tungkol dito.