Wala umanong katotohanan ang kumakalat na balitang nililigawan ni “Asia’s Multimedia Star” at “Kapuso star” Alden Richards si Kapamilya star Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Disyembre 12, tahasang sinabi ni showbiz columnist na fake news umano ang nasabing balita tungkol dito.

“Napakamarespeto ni Alden Richards para makihalo o makisawsaw at maki-join diyan,” saad ni Cristy.

“Hindi po ganoong klaseng tao si Alden Richards. May sarili po siyang karera. Hindi po niya kailangang makisukob doon sa hiwalayan ng KathNiel,” aniya.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Sa katunayan, umiiwas si Alden na magbigay ng pahayag tungkol sa nangyaring hiwalayan ng dalawa.

MAKI-BALITA: Alden Richards, ayaw magsalita sa hiwalayan ng KathNiel

Matapos kasing kumpirmahin nina Daniel at Kathryn ang kanilang hiwalayan, may ilang netizen na sini-ship ang huli kay Alden.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

MAKI-BALITA: Kathryn shini-ship na kay Alden: ‘Baka sila talaga!’

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Alden Richards po siya kahit wala po ang kahit sino bagama’t hindi niya ipinagmamalaki. Hindi po natin siya mahuhuli na nakikisuyo diyan sa mga ganyan.”

Matatandaang nagkatrabaho ang “KathDen” noong 2019 sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” itinuturing na highest-grossing movie sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino matapos kumita ng ₱880.6M sa takilya.

MAKI-BALITA: Kathryn at Alden, magtatambal sa pelikula