Ibinasura ng Naga City Prosecutor's Office ang isinampang kaso laban sa umano’y suspek na pumatay sa 17-anyos na dalagitang si Roselle Bandojo, na natagpuang patay sa isang bakanteng lote noong Hulyo.

Sa ulat ng Asintado sa Radyo at Brigada News FM sa Naga City, naglabas ng resolusyon ang Naga City Prosecutors Office, kung saan ibinasura nito ang kasong “robbery with homicide” laban kay Lorenzo "Enzo" Purisima dahil sa “insufficiency of evidence" sa pagpatay sa senior high school student.

Probinsya

17-anyos na dalagita na halos isang linggo nang nawawala, natagpuang patay sa isang bakanteng lote

Ang tanging hawak nilang ebidensya ay ang cellphone na ninakaw umano ni Purisima kay Bandojo, at ibinenta sa isang mall sa Naga, kung kaya’t inirerekomenda ng prosecutor’s office na sampahan na lamang umano ito ng kasong theft o pagnanakaw.

Ang biktimang si Bandojo, senior high school student sa Camarines Sur National High School, ay naiulat na nawawala noong Hulyo 23, 2023.

Noong Hulyo 28, nadiskubre ng mga awtoridad ang isang naaagnas na bangkay sa isang bakanteng lote sa Barangay Liboton.

Maki-Balita: 17-anyos na dalagita na halos isang linggo nang nawawala, natagpuang patay sa isang bakanteng lote