Mukhang tumitindi ang "patutsadahan" sa pagitan ng kampo ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, kaugnay pa rin sa isyu ng kanilang hiwalayan, na hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa kanila.

Pero batay kasi sa mga makahulugang banat ng nanay-talent manager ni Chard na si Annabelle Rama, mukhang hindi nga okay ang relasyon ng dalawa.

Sey niya kasi, nasa poder niya si Chard at ang mga anak nito at unti-unti nang naglilipat.

Nang tanungin naman kung saan sila mag-spend ng Christmas, sa Japan daw pero hindi kasama ang "isa," na hindi niya tinukoy kung sino.

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

Tapos, may sinabi pa siyang trabaho nang trabaho ang anak niya, pero ang isa naman ay puro pagwawaldas ang ginagawa.

Batay sa mga sinasabing ito ni Bisaya ay tila nagkakaroon na ng ideya ang mga marites kung ano bang dahilan ng "paghihiwalay" umano ng lovely couple.

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

Lalong naglatang na may gap sa pagitan ng dalawang kampo ng mag-Instagram post naman ng pasaring ang afam na padir ni Sarah na si Abdel Lahbati.

Makikita sa naturang IG post ang kanilang family dinner kasama si Sarah at kaniyang apo.

"Enjoying every moment with family. The convoy keeps going and don’t mind dogs barking 💪," mababasa sa caption.

Bagama't walang tinukoy, espekulasyon ng mga netizen ay pinariringgan daw ni Mr. Lahbati ang mother-in-law ng anak.

"enjoy and be safe always lahbati family! ❤️ don't mind the monster in law🤣"

"Just keep going Fam. We know that sarah has more money to wasted than RG. Nakawala kana sa familya na un so enjoy lifes na lang😍"

"This is the example of family that's stay together support each other will be more happy"

"Yes! 'Don't mind the dogs barking'. You have your family that loves you, will protect you @sarahlahbati. Stay strong! #teamsarahlahbati ❤️❤️❤️❤️❤️"

"resbakan na bisaya vs. afam 😂 @annabelleramaig"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Annabelle tungkol dito.

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’