Napanood umano ni TV host-actress Miles Ocampo ang video ng “pagsusubuan” nina “Senior High” stars Elijah Canlas at Andrea Brillantes.

Sa latest vlog ni showbiz columnist Ogie Diaz nitong Linggo, Disyembre 10, sinabi ni Ogie na naibato umano ni Miles ang kaniyang cellphone matapos mapanood ang nasabing video.

Ayon kay Ogie, hindi gaya ng ilang mga naunang ulat niya, ang tsikang ito raw ay totoo at hindi basta narinig lang. 

“Napanood nitong si Miles Ocampo ‘yong video sina Andrea at Elijah…nagsusubuan ng spaghetti,” kuwento ni Ogie.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Ito ang ‘di ko lang alam,” sabi pa niya, “kung paano nakarating kay Andrea na…napanood ni Miles ‘yong video na nagsusubuan sila ni Elijah. 

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Agad na nag-text kay Miles itong si Andrea. Ang sabi sa kaniya, e, ‘Ate, sorry, nakakahiya sa ganyan pa nakarating sa ‘yo ‘yung tungkol sa amin. Sana makausap kita’. Alam mo anong ginawa ni Miles sa cellphone? Pak, binato ‘yong cellphone!”

Matatandaang bukod sa KathNiel, nadadawit din ang pangalan ni Andrea sa hiwalayan nina Miles at Elijah

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes, Elijah Canlas nagkakamabutihan?

MAKI-BALITA: Andrea sinisisi, kinaladkad sa hiwalayang Elijah-Miles

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag, tugon, o reaksiyon si Andrea hinggil dito.