Mahigit 80 bahay ang napinsala makaraang hagupitin ng malakas na hangin ang ilang lugar sa Kabacan, North Cotabato kamakailan, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) nitong Lunes, Disyembre 11.
Sa panayam, sinabi ni MDRRMC acting chief Rosalie Budoy na ang insidente ay naganap sa Barangay Katidtuan, Osias, Lower Paatan, at Malamote nitong Sabado ng hapon.
Probinsya
64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar
Kabilang aniya sa napinsala ang mga bahay na gawa sa light materials.
Bukod dito, nasira rin ng malakas na hangin ang tanim na palay sa Barangay Katidtuan at Osias.
Sa pahayag naman ni Mayor Evangeline Guzman nitong Lunes, sinimulan na nila ang pamamahagi ng ayuda at iba pang non-food items sa mga apektadong pamilya.
Ang insidente ay naganap sa gitna ng pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na walang namumuong sama ng panahon sa Western Pacific Ocean, Philippine Sea, at sa South China Sea kaya't asahan ang maaliwalas na panahon sa buong bansa hanggang weekend.
PNA