Patay ang apat katao matapos masunog ang isang pagawaan ng paputok sa Lapu-Lapu City, Cebu nitong Lunes ng hapon.

Kasama sa nasawi ang may-ari ng firecracker factory na si Chito Berdin, dalawang factory worker at isang bata.

Sa pahayag naman ni Mayor Junard Chan, na-trap ang apat kaya't hindi na sila nakaligtas sa insidente sa Barangay Babag, Lapu-Lapu City.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

“I extend my heartfelt condolences to the bereaved families of those who died in the fire incident,” anang alkalde.

Nangako naman ang alkalde na tutulungan nito ang mga pamilya ng apat na nasawi.

Sinabi naman ni Lapu-Lapu City Disaster Risk Reduction and Management Office head Nagiel Bañacia, kabilang naman sa mga nasugatan ay mga bata at matatanda na ginagamot na sa ospital.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

PNA