Ipinahayag ni United States (US) Ambassador to the Philippines Marykay Carlson ang pagkondena ng kanilang bansa sa muling pambobomba ng tubig ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas nitong Linggo, Disyembre 10.

“The [US] stands with the Philippines and partners in vehemently condemning the PRC (People's Republic of China)’s repeated illegal and dangerous actions against [Philippine] vessels, including disrupting the [Philippine] resupply mission to the Sierra Madre today,” pahayag ni Carlson sa kaniyang X post.

“PRC aggression undermines regional stability in defiance of a #FreeAndOpenIndoPacific,” dagdag pa niya.

Matatandaang kinumpirma ng National Task Force-West Philippine Sea nitong Linggo ang pambobomba ng tubig ng CCG sa vessels ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kasama sa resupply mission sa Ayungin Shoal.

National

PH supply vessels binomba na naman ng tubig, sinalpok pa ng barko ng China CG

Bukod dito, nito lamang Sabado, Disyembre 9, nang bombahin din ng tubig ng CCG ang mga barko ng BFAR na nagsagawa ng regular humanitarian at support mission sa mahigit 30 Filipino fishing vessels malapit sa Bajo de Masinloc.

https://balita.net.ph/2023/12/09/pambobomba-ng-tubig-ng-china-coast-guard-sa-ph-vessels-kinondena-ng-pilipinas/