May itinanong ang social media personality na si Rendon Labador kay Kapamilya star Kathryn Bernardo tungkol sa ex-partner nito.

Sa Facebook MyDay ni Rendon nitong Sabado, Disyembre 9, makikita ang komento niya sa post ng isang online news platform tungkol sa nag-viral na video ni Kathryn na nagtutupi ng sariling mga damit.

“Ang tanong lang ni Kuya Rendon  Kath ay kung nagpapa-laundry ba ‘yung partner mo ng 11 years?” usisa ni Rendon.

Dagdag pa niya: “Hindi ako makatulog sa gabi sa tanong na ‘yan. Salamat kung masasagot mo.”

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Matatandaan na matapos kumpirmahin nina Daniel at Kathryn ang kumakalat na balitang hiwalay na sila ay nagsimula na ring magpaabot ng mensahe si Rendon para tulungan umanong maka-move on nang mabilis ang aktres.

MAKI-BALITA: Rendon, may mensahe para kay Kathryn: ‘Andito lang ang Kuya’

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring tugon, reaksiyon, o pahayag si Kathryn higgil sa mensahe at tanong na ito ni Rendon.