Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Umabot pa sa 11 pagyanig ang naitala sa Bulkang Taal sa nakaraang 24 oras na pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ipinaliwanag ng Phivolcs, ang mga nasabing pagyanig ay umabot ng anim na minuto.

Nagbuga ng 8,243 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Disyembre 7. 

Nagpakawala rin ito ng 1,500 metrong taas ng puting usok na tinangay ng hangin pa-timog kanluran ng bulkan.

Nakitaan din ng ground deformation sa hilagang bahagi ng Taal Volcano Island (TVI).

Ipinaiiral pa rin ng Phivolcs ang Level 1 na alert status ng bulkan na nangangahulugang bawal pa ring pumasok sa Main Crater at Daang Kastila fissures.

Ipinagbabawal ding mamalagi sa Taal Lake sa nakaambang phreatic explosions at pagbuga ng nakalalasong usok.