Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo
Asahan na ang mas matinding traffic sa Metro Manila sa mga susunod na linggo.
Ito ang inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes nitong Linggo at sinabing mararamdaman ito simula Disyembre 15, araw ng suweldo, hanggang weekend.
Dagdag pa aniya ang inaasahang magkakasabay-sabay na mamimili sa mga mall sa Biyernes.
Tiyak din aniyang usad-pagong ang daloy ng trapiko sa Disyembre 22 dahil dadagsa ang magsisiuwian sa kani-kanilang probinsya.